Sister against sister? This is is quite embarrassing... when it comes to money nga naman.
Source: GMA News
Emosyunal na ikinuwento ni Ara Mina ang dahilan kung bakit niya inireklamo sa Quezon City Prosecutors Office ang nakababata niyang kapatid na si Cristine Reyes.
Sa panayam ni showbiz reporter Lhar Santiago, putol-putol ang pagsasalita ni Ara dahil sa pag-iyak nang ilabas ang sama ng loob sa kanyang kapatid na kinasuhan niya ng libel and grave coercion.
Ayon kay Ara, hindi na niya matiis ang ginagawang paninira at pambabastos sa kanya ni Cristine.
“Masakit sa akin ‘tong gagawin ko kasi sikat siya ngayon, ayoko siyang masira pero hindi na kaya yung… masyado na niyang hinahamak yung pagkatao ko, parang yinuyurakan na niya," pahayag ni Ara sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
Sinabi ni Ara na sinisingil siya ni Cristine kahit wala naman siyang pagkakautang dito. Bukod dito, ikinakalat din umano ng nakababatang aktres ang mga mapanirang text massage sa kanya sa kanyang mga kaibigan.
Ang sinasabing utang ay kaugnay daw sa binili nilang bahay para sa kanilang ina.
Ayon kay Ara, nagkasundo sila ni Cristine na maghati sa gastos sa bahay na bibilhin para sa kanilang ina. Si Cristine umano ang magbabayad ng P1 milyon na down payment at si Ara naman ang maghuhulog sa balanseng P2.3 milyon.
Ngunit ngayon ay sinisingil umano ni Cristine sa kanyang ate ang ipinang-down na P1 milyon.
Ito ay kahit pa umano nakapangalan sa nakababatang aktres ang bahay at ang ina naman nila ang nakatira.
Sa text message umano ni Cristine sa kanyang ate, nagbanta raw ito na kukunin ang mga mamahaling sasakyan ni Ara kapag hindi ito nagbayad.
Nagsimula raw ang pagpapadala ni Cristine ng masasakit na text massages noong Holy Week.
“Hindi po pera ang habol ko dito, ang ano ko po yun pag-uugali niya," pahayag ni Ara na naputol dahil sa walang tigil na pag-iyak.
For me, I hope they have settled their problem inside their mother's house. I think going to public and suing is never a good idea. But anyways... I hope they can settle this one.

Comments
Post a Comment