Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2012

Ara Mina sues Christine Reyes?

Sister against sister?  This is is quite embarrassing... when it comes to money nga naman. Source: GMA News Emosyunal na ikinuwento ni Ara Mina ang dahilan kung bakit niya inireklamo sa Quezon City Prosecutors Office ang nakababata niyang kapatid na si Cristine Reyes. Sa panayam ni showbiz reporter Lhar Santiago, putol-putol ang pagsasalita ni Ara dahil sa pag-iyak nang ilabas ang sama ng loob sa kanyang kapatid na kinasuhan niya ng libel and grave coercion. Ayon kay Ara, hindi na niya matiis ang ginagawang paninira at pambabastos sa kanya ni Cristine. “Masakit sa akin ‘tong gagawin ko kasi sikat siya ngayon, ayoko siyang masira pero hindi na kaya yung… masyado na niyang hinahamak yung pagkatao ko, parang yinuyurakan na niya," pahayag ni Ara sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Sinabi ni Ara na sinisingil siya ni Cristine kahit wala naman siyang pagkakautang dito. Bukod dito, ikinakalat din umano ng nakababatang aktres ang mga mapanirang text ma